Featured

Ang trip ko sa thailand

Ito ang isa sa mga lugar na nais ko puntahan noon. Ang mga kaibigan ko ay nagtataka bakit sa dami daming bansa na maaring puntahan bakit Thailand pa ang aking gustong marating. Sabi nila ang Thailand ay katulad lamang Ng pilipinas na mainit ang klima, mapulusyon sa hangin at mayroon din mga beaches Tulad Ng sa pilipinas. Ano raw ba ang mayroon sa thailand na wala ang pilipinas. Sinabi nila na wala naman daw pinagkaiba ang dalawang bansang Ito. Ngunit para sa akin hanggat Hindi ko nasasaksihan o nakikita Ng dalawang Mata ko ay hindi ko Ito paniniwalaan. Pagdating ko sa Thailand ay humanga na agad ako sa international airport nito. Napakalaki at napakaganda. Napakaraming mga turista ang naroroon. Hindi ko talaga lubos maisip na ganoon kadami ang bumibisita sa bansang iyon. Ang kanilang pagsalubong ng pagbati ay sadyang magalang. Pinaglalapat nila ang kanilang mga palad at tumutungo ganon ang kanilang paraan ng pagbati.

Nakaramdam ako Ng kaba nung ako ay tutungo Kung saan ang sakayan Ng taxi at may balita akong machine Kung saan ay kukuha Ka ng number para malaman mo Kung anong number Ng taxi ang sasakyan mo. Dahil sa Unang araw ko sa Thailand ay talaga Naman na ako ay namangha. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa hotel na aking tutuluyan napansin ko na napakalabak Ng kanilang kalsada walang traffic akong naranasan tinanong ko ang taxi driver Kung normal ba ang kondisyon Ng trapiko dito. Ngunit dun na nagsimula ang aking problema. Dahil hindi nya ako naiintindihan sa wikang ingles kaya kailangan ko pang gumamit ng Google translation. Pag dating ko sa hotel napakaganda at napakalinis nito sa murang halaga. Nag simula na ako maglibot libot at napansin ko na napakaraming bag packer na pumupunta sa iba’t ibang templo at palasyo. Nahikayat akong tumungo rin doon. Napakaganda Ng naglalakihang statue at mga templo na kulay ginto. Kay gandang pagmasdan Ng mga Buddha sa paligid.

Sinubukan ko din kumain Ng local foods mahilig sila sa napaka anghang na pagkain na di ko Kaya kainin noong Una Dahil sa sobrang anghang nito at napakatapang Ng amoy na galing sa pinakamatapang na patis kung tawagin sa atin ay BALAYAN Ito ay napakasangsang na amoy. Nasarapan din ako nung huli Mura ang mga local foods Kaya yun ang mga kinakain ko noong ako ay naroroon. Halos lahat yata ng night market sa Bangkok, Thailand ay pinuntahan ko at tinikman ang iba’t ibang pagkain kasama ang mga bagong kaibigan Nakakilala ako Ng mga naging kaibigan local at banyaga. Kaysarap mag bahagi ng karanasan sa pag travel at magbigay ng mga kanya kanyang opinion. Nais ko muling bumalik doon upang madiskubre pa ang Thailand na mayaman din sa kultura.

Design a site like this with WordPress.com
Get started